Lord pasuko na ako..

avatar

..."I need your help"...

The hardest part ng journey natin sa LORD ang dumating ang time na ikaw ang nasa posisyon na nahihirapan kana...

Totoo diba ang sarap magpagamit sa LORD..
Marami kang naeencourage na magpatuloy sa LORD...
Mga taong ayaw ng mabuhay pero andyan ka and God used you as His mouthpiece..

Pero hindi laging ganito ang kwento natin may mga panahon na ikaw na ang nasa kalagayan na ito at ang mahirap ay hindi mo rin alam paano ba lalabas sa posisyon na ito...
Minsan hindi ka naman talaga nahihirapan sa application pero nahihirapan kang sabihin sa tao na may pinagdadaanan ka...

Yes ang totoo ay mahirap for some reason hindi Siya madali pero at the samen hindi porket mahirap ay hindi na masusulusyunan..

Alam mo kapag ikaw na ang dumadating sa ganitong panahon.. yung panahon na sleepless ka, na nararanasan mo ng umiyak kapag gabi.. na minsan hindi ka nagsasalita hindi dahil sa ayaw mo ng kausap kung hindi dahil masyado mong iniisip ang pinagdadaanan mo..

The best thing to do is humble yourself... na magsabi ka sa mga ilan tao na pagod kana na hindi ka okay, hindi naman ito nakakabawas ng pag tingin ng ibang tao sayo at hindi rin ito isang kahinaan infact ang mga taong marunong umamin sila yung totoong malakas..
Huwag mo ng hintayin na kainin ka ng pinagdadaanan mo at sabihin mo na.. this is enough ayoko na...

Pangalawa be persistent to God .. kahit nahihirapan kana huwag mong ititgil ang ginagawa mo sa LORD kahit minsan parang ayaw mo na... na kahit minsan ang bigat bigat na ng loob mo ituloy mo parin ginawa mo para sa Kanya dahil isa ito sa magpapakapit sayo magpatuloy sa LORD at sa tama... pag pagod ka pwede ka naman magpahinga pero huwag kang aalis sa LORD...
Pag malungkot ka pwede kang umiyak sabihin mo kay LORD... na LORD ito po ako basag sa harapan mo...
Basta kahit anong mangyari huwag kang aalis sa LORD...

I know hindi madaling magpatuloy sa mundong pasama na ng pasama at ito ang reason bat need ka ng mundong ito.. kailangan nila ng isang tao na nahirapan pero nagpatuloy sa tama..
And also alam kong alam ni LORD ang plano Niya sayo maaring hindi malinaw ngayon but I know at the end of the day darating yung time na yung JOY na ibibigay Niya will nothing compare sa pain na naranasan mo..
Remember the story of Job kung view lang ng mga taong nasa paligid niya at mata niya parang hindi mo na makikita na pag asa pa siya but still hindi ito naging dahilan para umalis siya sa LORD... ininda ang pinagdaanan niya , kagaya mo umiyak din siya, dumating din time question nya rin ang Diyos but He never back out sa sinimulan nila ng Diyos... at the end of the day yung iyak na naranasan ni Job ay napalitan ng joy na galing sa Panginoon..lahat ng nawala ay unti unti pinalitan at hinigitan ng Diyos na never naman niyang hiningi

Kaya kapatid Don't give up remember that if you are not dead God is not done yet with you..

Mahirap but keep your self to God..
Sabihin mo sarili mo.
Oo iiyak ako..
Oo nahihirapan ako..
Pero hindi ako susuko sa sinimulan namin ng Diyos..



0
0
0.000
0 comments